simulan na natin ang kalokohang ito.. -ako si bunny.. -nagdaan na sa madaming pagbabago ang pangalan ko.. -nagsimula sa bunny, na naging bunz, banz, bani, baniman, baneh, banehmaughn at madami pang iba.. -malayo naman ito sa tunay kong pangalan, na itatago na lang natin sa pangalang ARIEL.. -hahahaha.. -mahilig ako sa hayop.. -aso, pusa, tigre, parrot, oso, polar oso, leon, at ang ibang pang kahayupan dito sa mundo.. -minsan din mahilig ako sa tao.. hayop din naman sila.. -ayaw ko sa ipis.. -lalo na yung flying-ipis.. -mahilig ako sa musika.. -maingay man o malamig sa tenga.. -mahilig ako sa pagkain.. -pizza, manok, burger, pasta, hipon, kahit anong japanese, peking duck at madami pang iba.. -ayaw ko ng gulay.. -lalo na yung may lupa-lupa pa.. -mahilig ako mag-picture.. -pero ayaw ko yung ako yung nasa picture.. -mahal bayad sa artista.. baka ma-scandal pa ko.. o madiscover ng kung sino.. -pag nangyari yun, mawawalan ng trabaho ang madaming artista.. kawawa nmn sila.. -matalino ako.. pero tamad.. -masipag pag walang ginagawa.. -tamad pag may kailangang gawin.. -ayaw ko sa halaman.. lalo na pag gulay.. -pero pro-earth ako.. kaya mabait ako sa mga halaman.. kaya hindi ako kumakain ng gulay.. kawawa naman sila.. -mahilig ako matulog.. -kahit nakaupo, nakatayo, nakahiga sa monobloc na upuan, nakataas ang paa.. kaya kong matulog.. -isa sa mga hilig ko ang kumuyakoy at magpaikot ng bolpen.. -mahilig ako manood ng sine.. -mahilig ako sa comics.. -kaya mas hilig ko ang mga sine na base sa comics.. ang talino nung nakaisip nun!! -ayaw ko yung mga baduy na love story.. -yung madalas may interview sa tv na sinasabi ng mga tao "ang ganda-ganda (insert tili here)" para lang may masabi sila at lumabas sila sa tv.. -mahilig ako manood ng tv.. -madalas palipat-lipat lang ako hanggang makahanap ng magandang papanoorin.. -tatapusin ko ang magandanag palabas kahit hindi ko nasimulan.. -kaya madalas hindi ko naiintindihan kung bakit nagkaganoon ang kwento.. -mahilig ako sa sports.. -well, manood ng sports.. -sa tv.. -pangarap kong lumipad.. -pero di gaya ng flying-ipis.. -baka hampasin ako ng kung sino.. -ayaw ko sa lumilipad na ipis.. -ayaw ko sa gulay.. -ini-elaborate ko lang.. -yun lang muna siguro..
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
GI Joelike the transformers, GI Joe hits the mainstream this august..madedefile na naman ang geekdom.. trailer looks nice.. hope the movie doesn't disappoint.. snake eyes and storm shadow look kick-ass.. XD
| |||||||||||||||||||||||||||||||||





